NEWS & EVENTS

Silay Institute Buwan ng Wika 2025

Silay Institute Buwan ng Wika 2025
  • Share:

Masigla at makulay na ipinagdiwang ng Basic Education Department at College Department ng Silay Institute ang Buwan ng Wika 2025 na may temang “Paglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa.”

Sa pamamagitan ng masiglang pagtatanghal ng awitin, sayaw, at pagsusuot ng tradisyonal na kasuotan, ipinamalas ng mga mag-aaral ang kanilang pagmamahal sa wikang Filipino at kulturang Pilipino. Bawat programa ay nagsilbing paalala na ang ating sariling wika at mga katutubong wika ang nagsisilbing haligi ng pagkakaisa at pagkakakilanlan ng bansa.

Idinaos ang pagdiriwang noong Agosto 29, na hindi lamang nagbigay-saya kundi nagpatibay rin ng diwang makabayan at pagmamalaki sa ating pinagmulan.